Inilunsad ang PRIDE Sticker Campaign ng UP Center for Women’s and Gender Studies (UPCWGS) sa mga pampasaherong dyipni noong Hunyo 23, 2016. Tinawag ang naturang kampanya na PARA (!) SA LAHAT Sa Pag-arangkada para sa Karapatan Dapat Walang Naiiwan.
Dumalo sa aktibidad na ito ng mga kinatawan ng mga yunit sa UP System, UP Diliman police, UP Diliman Gender Office at mga grupong pangtransportasyon na nagpapasada sa kampus.
Nagsagawa ng isang programa kung saan ay opisyal na inabot ni Dr. Odine Maria M. de Guzman, Direktor ng UP CWGS, ang mga sticker sa mga kinatawan ng mga grupong pangtransportasyon. Pagkatapos ng programa, idinikit ang mga PRIDE sticker sa ilang mga dyipni.