UP CWS, with UP DGO and Gabriela Youth, Join UP Lantern Parade

UP CWS and Kalinga Day Care Center staff before the start of parade
UP CWS and Kalinga Day Care Center staff before the start of parade

 

University of the Philippines Center for Women’s Studies (UP CWS) aligned  with UP Diliman Gender Office(UP DGO)  and UP Gabriela Youth for 2014 Lantern Parade last December 15.

IMG_1719
UP DGO, UP CWS, Gabriela Youth Lantern

The group’s lantern featured three young women that hold bats, aim toward clay pots labeled hate crimes, kontraktwalisasyon, diskriminasyon and others. UP CWS Director Judy Taguiwalo and UP DGO Director Det Neri led the breaking of the pots during the group’s presentation in front of Quezon Hall.

 

In front of Quezon Hall
In front of Quezon Hall

(Spiel)

Ang parol na tangan ng  UP Diliman Gender Office, University Center for Women’s Studies, at Gabriela Youth ay sumisimbolo at nagbibigay ng liwanag sa mahalagang papel ng karaniwang babae, LGBT at bata sa pagbabago sa lipunan- patungo sa lipunang malaya sa pang-aapi, pagsasamantala, karahasang nakabatay sa kasarian at walang diskriminasyon. Ang mga tagumpay sa larangan ng akademya na tumutugon sa mga usaping pangkakabaihan, na nagsilbi para sa pagbubuo ng mga batas na pumu-protekta sa karapatan ng babae at bata ay bunga ng pagkilos ng mga kilusang kababaihan mula sa hanay ng ordinaryong mamamayan.

Paano susukatin ang lalim ng pagka-ugat at lago ng pagyabong ng UP? Itinulay ng Unibersidad ang iba’t ibang henerasyon ng Iska, ’t Isko at mga Iskey. Sa kolektibong kamalayan ng mamamayang Pilipina at Pilipino, nakaukit na ang arketipo ni Oble.

Sa harap ng mga pagsubok na susuungin ng Unibersidad, sentral na tungkulin nitong yakapin at tanggapin nang buong-buo ang identidad nito- bilang state university.

Magbubuklod ang LGBT, mga kababaihan, at bata sa pagbasag sa isang porma ng opresyon na magkakaparehong dinaranas- ang patriyarkiya na lalong pinaiigting ng mga neoliberal na polisiya ng gobyerno tulad ng pagsasabribado ng serbisyong pangkalusugan, kawalan ngseguridad sa trabaho, pagpapatuloy ng Visiting Forces Agreement at Enhanced Defense Cooperation Agreement na nagdudulot ng patuloy na pagtaas ng karahasang nakabatay sa kasarian tulad na lamang ng kasong pagpatay kay Jennifer Laude, komersyalisasyon kung saan itinuturing ang katawan ng babae, bata at LGBT bilang isang obhetong seksuwal, at marami pang iba.

Kung kaya naman katuwang ang iba pang sektor sa loob at labas ng Unibersidad, babasagin ang iba’t iba pang anyo ng mga opresyon at isyu patungo sa lipunang malaya sa pang-aapi, pagsasamantala, karahasang nakabatay sa kasarian at diskriminasyon.

Padayon, UP. Marami pang henerasyon ng Iska, Isko at Iskey  ang iyong pagsisilbihan.

UP, ang iyong ugat at pagyabong ay tumawid sa labas ng iyong bakuran. Marapat ding isatinig na- Padayon, UP. Paglingkuran ang sambayanan!